May apat na paraan ng pagbabahagi ng mga video sa Twitter:
Step 1
Mag-record: Puwede kang mag-record, mag-edit, at magbahagi ng mga video mula sa Twitter app (Twitter para sa iPhone o Twitter para sa Android OS 4.1 pataas).
Step 2
Mag-import: Kung gumagamit ka ng Twitter para sa iPhone o iPad na app, puwede kang mag-import ng mga video mula sa device mo.
Step 3
Mag-upload: Puwede kang mag-upload ng mga video sa twitter.com.
Para mabilis na magbahagi ng video sa sandaling ito, i-tap ang icon na camera mula sa menu sa itaas o mag-swipe pakaliwa mula sa timeline.
I-tap nang matagal ang icon sa pagkuha para mag-record ng video.
May opsyon kang maglagay ng copy ng Tweet at lokasyon.
I-tap ang I-tweet kapag handa ka nang mag-post, o i-tap ang Idagdag sa thread para ikonekta ito sa huli mong Tweet at pagkatapos ay pindutin ang Idagdag para ibahagi ito.
Step 2
Pagdaragdag ng video sa isang Tweet. Puwede mong i-tap ang icon na I-tweet para kumuha o mag-upload ng video bilang karagdagan sa naiisip mo.
Sa ibaba ng kahon para sa pagsusulat ng Tweet, makakakita ka ng mga opsyon para sa mabilis na pagpili para magdagdag ng bagong video. Lalabas bilang mga thumbnail preview ang mga pinakabago mong video mula sa iyong gallery para sa mabilis na access.
I-tap ang icon na camera para kumuha ng video.
Puwede mong i-trim ang haba ng iyong video sa pamamagitan ng pag-drag sa magkabilang dulo ng bar sa ibaba. Ang maximum na haba ng video ay 2 minuto at 20 segundo.
I-tap ang I-trim para tapusin ang mga pag-edit mo. Puwede mong i-preview ang video mo sa pamamagitan ng pag-tap sa button na i-play bago ito i-tweet, at magsagawa ng mga karagdagang pag-edit sa video mo bago magbahagi.
I-tap ang I-tweet para mag-post.
Tandaan: Para alisin ang video bago mag-tweet, i-tap ang X sa thumbnail ng video.
Step 1
Para mabilis na magbahagi ng video sa sandaling ito, i-tap ang icon na camera mula sa menu sa itaas o mag-swipe pakaliwa mula sa timeline.
I-tap nang matagal ang icon sa pagkuha para mag-record ng video.
May opsyon kang maglagay ng copy ng Tweet at lokasyon.
I-tap ang I-tweet kapag handa ka nang mag-post, o i-tap ang Idagdag sa thread para ikonekta ito sa huli mong Tweet at pagkatapos ay pindutin ang Idagdag para ibahagi ito.
Step 2
Pagdaragdag ng video sa isang Tweet. Puwede mong i-tap ang icon na I-tweet para kumuha o mag-upload ng video bilang karagdagan sa naiisip mo.
Sa ibaba ng kahon para sa pagsusulat ng Tweet, makakakita ka ng mga opsyon para sa mabilis na pagpili para magdagdag ng bagong video. Lalabas bilang mga thumbnail preview ang mga pinakabago mong video mula sa iyong gallery para sa mabilis na access.
I-tap ang icon na camera para kumuha ng video.
Puwede mong i-trim ang haba ng iyong video sa pamamagitan ng pag-drag sa magkabilang dulo ng bar sa ibaba. Ang maximum na haba ng video ay 2 minuto at 20 segundo.
I-tap ang I-trim para tapusin ang mga pag-edit mo. Puwede mong i-preview ang video mo sa pamamagitan ng pag-tap sa button na i-play bago ito i-tweet, at magsagawa ng mga karagdagang pag-edit sa video mo bago magbahagi.
I-tap ang I-tweet para tapusin ito.
Tandaan: Para alisin ang video bago mag-tweet, i-tap ang X sa thumbnail ng video.
Tandaan: Puwede mo ring isaayos ang iyong mga setting ng autoplay mula sa seksyong Accessibility ng Mga setting at privacy mo.
Para mag-upload at mag-post ng video sa pamamagitan ng web
Gamitin ang box para sa pagsusulat, o i-click ang button na Mag-post.
I-click ang button na gallery
Pumili ng video file na naka-store sa computer mo at i-click ang Buksan. Aabisuhan ka kapag hindi suportado ang format ng video. 512MB ang maximum na laki ng file para sa postVideo, pero puwede kang mag-upload ng video na mas matagal sa 2 minuto at 20 segundo, at puwede mo itong i-trim bago ilagay ang video sa isang post.
Kumpletuhin ang mensahe mo at i-click ang I-post para ibahagi ang iyong post at video.
Panonood ng mga video sa X
Sa mga timeline, Mga Sandali, at tab na Mag-explore, at sa buong X, awtomatikong magpe-play ang mga native na video at GIF.
Paano ko patitigilin ang pag-autoplay ng mga video?
Puwede mong patigilin ang pag-autoplay ng mga video sa iyong timeline, Mga Sandali, at sa tab na Mag-explore sa pamamagitan ng pagbabago sa setting ng pag-autoplay ng video. Puwede mong pag-ibahin ang mga setting ng pag-autoplay ng video sa X.com at sa X app mo (halimbawa, puwede mong itakdang mag-autoplay ang mga video sa iyong iOS device at hindi sa web).
Para isaayos ang pag-autoplay sa iyong X para sa iOS na app:
Pumunta sa iyong Mga setting at privacy.
Sa ilalim ng seksyong Accessibility, display, at mga wika, i-tap ang Paggamit ng data.
I-tap ang Pag-autoplay ng video.
Puwede kang pumili mula sa mga sumusunod na opsyon:
Sa cellular o Wi-Fi, Sa Wi-Fi lang, at Hindi Kailanman.
Para isaayos ang autoplay sa iyong X para sa Android na app:
Pumunta sa iyong Mga setting at privacy.
Sa ilalim ng seksyong Accessibility, display, at mga wika, i-tap ang Paggamit ng data.
I-tap ang Pag-autoplay ng video.
Puwede kang pumili mula sa mga sumusunod na opsyon: Mobile data at Wi-Fi, Wi-Fi lang, at Hindi Kailanman.
Para isaayos ang autoplay sa X.com:
Mula sa pangunahing menu, i-click ang Higit pa, pagkatapos ay piliin ang Mga setting at privacy.
Sa ilalim ng Accessibility, display, at mga wika, i-click ang Paggamit ng data.
Mag-click sa Autoplay, pagkatapos ay pumili sa pagitan ng Sa cellular o Wi-Fi o Hindi Kailanman.
Mga closed caption at subtitle
Paano tumingin ng mga closed caption sa isang video:
I-on ang opsyon sa mga caption sa mga setting ng accessibility ng device mo. Sa iOS, may label ito na Closed Captions. Sa Android, may label ito na Captions.
Paano tumingin ng mga subtitle: I-off ang tunog ng device mo. Para tumingin ng mga subtitle sa web, i-tap ang “CC” slider sa isang video.
Tandaan: Hindi lahat ng video ay may mga caption o subtitle na available. Sa iOS at Android, awtomatikong ipinapakita ang mga caption kapag pinanood ang mga video sa iyong timeline. Para tingnan ang mga caption sa full screen, i-enable ang mga caption sa antas ng system.
Puwede kang manood ng mga live na video mula sa Mga Sandali, tab na Mag-explore, mga trend, o mga post mula sa isang account na nag-live.
Puwede ka ring manood ng live na programa mula sa X sa Amazon Fire TV at Apple TV. Puwedeng gumamit ng X ang mga user ng Xbox at Android TV sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanilang web browser at pagpunta sa X.com.
Kapag nanonood ng live na video o replay, puwede mong ibahagi ang broadcast sa pamamagitan ng post, Direktang Mensahe, o pagkopya sa link. May opsyon kang ibahagi ang buong broadcast o ang broadcast simula sa partikular na puntong gusto mo.
Paano magbahagi ng live na broadcast o replay:
Mula sa full screen mode ng live na video o replay, i-click o i-tap ang icon na ibahagi
I-click o i-tap ang Ibahagi ang Live (kapag live) o Ibahagi Mula sa Simula (kapag nasa replay mode) para i-post, ipadala bilang Direktang Mensahe, o kopyahin ang link ng buong live na video o replay mula sa simula.
I-click o i-tap ang Ibahagi mula sa… para i-post, ipadala bilang Direktang Mensahe, o kopyahin ang link ng live na video o replay simula sa puntong pinili mo gamit ang bar ng pagpili.
Puwede kang magkaroon ng mga isyu habang nanonood ng mga live na video. Sa pangkalahatan, inirerekomenda ang panonood gamit ang isang malakas na koneksyon sa network, at/o paggamit ng ibang network o browser. Puwede ring makatulong ang pagsasara at pagbubukas ulit sa app o browser. Para sa pinakamagagandang resulta, gumamit ng updated na bersyon ng app o browser. Kung patuloy ka pa ring magkakaproblema sa live na video, pakisabi sa amin.
Lumaktaw paabante o pabalik
Habang nanonood ng video, puwede mong i-double tap ang iyong screen para mabilis na makabalik o makaabante.
Paano lumaktaw sa isang video:
Para umabante nang 5 segundo, mag-double tap sa labas na kanang bahagi ng video screen.
Para bumalik nang 5 segundo, mag-double tap sa labas na kaliwang bahagi ng video screen.
Kapag nakapag-double tap ka na para lumaktaw, puwede kang magpatuloy sa naturang direksyon sa isang tap.
Sa kasalukuyan, sa full-screen lang posible ang paglaktaw paabante at pabalik habang nanonood ng mga video.
Paalala: Ang Premium Live Content Streaming at ang Embedded Live Video Widget ay umaasa sa cookies mula sa ibang domain ng X.com na tinatawag na twimg.com para gawin ang dalawang bagay: pangasiwaan ang Live Video Experience at maghatid ng mga ad. Kung naka-disable ang cookies ng third-party sa iyong browser, hindi gagana ang Live Video Experience at hindi rin ito makakapaghatid ng mga ad para masuportahan ang karanasan. Magagamit ng mga user ng Safari ang Premium Live Content Streaming o ang Embedded Live Video Widget nang hindi pinapalitan ang mga setting ng kanilang browser sa pamamagitan ng pag-click sa button na "allow" kapag hiniling. Magbibigay-daan ito sa amin na makapag-set ng cookie para sa twimg.com na tutulong sa aming pangasiwaan ang Live Video Experience at maghatid ng mga ad. Kung ibang browser ang gamit mo, mangyaring kumonsulta sa seksyon ng tulong ng browser mo para sa impormasyon kung paano papayagan ang cookies ng third party.
Mga push notification para sa mga live na video
Kung may account na ayaw mong mapalampas ang live na video, puwede kang mag-opt in na makatanggap ng mga push notification kapag nag-live sila. Madali lang mag-set up ng mga abiso mula mismo sa page ng profile ng account.
Step 1
Mula sa profile ng account, i-tap ang icon na abiso
Step 2
Mula sa pop-up na mensahe, piliin ang Mga Tweet lang na may live na video.
Step 3
Para kanselahin ang mga push notification ng live na video, i-tap ang icon na naka-highlight na abiso mula sa profile ng account at piliin ang Wala.
Kung may account na ayaw mong mapalampas ang live na video, puwede kang mag-opt in na makatanggap ng mga push notification kapag nag-live sila. Madali lang mag-set up ng mga abiso mula mismo sa page ng profile ng account.
Step 1
Mula sa profile ng account, i-tap ang icon na abiso
Step 2
Lagyan ng check ang kahon sa tabi ng Mga abiso ng account.
Step 3
Mula sa pop-up na mensahe, piliin ang Live na video lang.
Step 4
Para kanselahin ang mga push notification ng live na video, i-tap ang icon na naka-highlight na abiso mula sa profile ng account at piliin ang Wala.
Mga madalas itanong
Protektado ang mga Tweet ko. Protektado rin ba ang mga video ko?
Kung protektado ang mga Tweet mo, mga tagasunod mo lang ang makakapanood ng mga video mo sa iyong mga Tweet. Pakitandaan na puwedeng i-download o i-reshare ng mga tagasunod mo ang mga link sa mga video na ibinahagi mo sa mga protektadong Tweet. Hindi protektado ang mga link ng mga video na ibinahagi sa Twitter. Makikita ng sinumang may link ang content. Kung ayaw mong may makakita ng mga video mo sa Twitter, iminumungkahi namin na i-delete mo ang mga Tweet na naglalaman ng mga video na iyon.
Kasama ba ang mga video sa limitasyon sa bilang ng character sa isang Tweet?
Hindi, hindi kasama ang mga video sa limitasyon sa bilang ng character sa isang Tweet.
Awtomatiko bang naglu-loop ang mga video sa Twitter?
Awtomatikong naglu-loop ang lahat ng video na naka-post sa Twitter na may habang 60 segundo pababa.
Puwede ka bang mag-dock ng video sa Twitter?
Puwede kang mag-dock ng pre-recorded na video o broadcast mula sa iyong Twitter para sa iOS at Twitter para sa Android na app. Sa pamamagitan ng pag-dock ng video, mas madaling manood habang patuloy na gumagamit ng Twitter––gaya ng pag-scroll sa iyong timeline o pagpapadala ng Direktang Mensahe.
Paano mag-dock at mag-undock ng video (iOS at Android):
Para mag-dock ng video, mag-tap lang sa icon ng pag-dock sa kanang bahagi sa itaas ng video na nasa full-screen mode.
Para bumalik sa full-screen view mula sa isang naka-dock na video, mag-tap sa video.
Para mag-dismiss ng naka-dock na video, gamitin ang iyong daliri para i-slide ang naka-dock na video papunta sa gilid ng iyong screen hanggang sa mawala ito. Puwede ka ring mag-tap ng ibang video para awtomatikong mawala ang kasalukuyang naka-dock na video.
Ano ang mga limitasyon sa mga resolution at aspect ratio ng video na puwedeng i-upload sa web?
Minimum na resolution: 32 x 32
Maximum na resolution: 1920 x 1200 (at 1200 x 1900)
Mga aspect ratio: 1:2.39 - 2.39:1 na range (inklusibo)
Maximum na frame rate: 40 fps
Maximum na bitrate: 25 Mbps
Puwede ba akong mag-tag ng mga larawan sa isang video?
Hindi ka puwedeng mag-tag ng mga tao sa isang video, pero available ang pag-tag sa mga larawan. Matuto pa tungkol sa pag-tag sa larawan.
Paano ako magde-delete ng video (pagkatapos mag-tweet)?
Puwede kang mag-delete ng video sa paraang katulad ng pag-delete ng larawan, sa pamamagitan ng pag-delete sa mismong Tweet.
Puwede ba akong magpadala ng mga video sa pamamagitan ng Direktang Mensahe?
Oo, puwede kang magpadala ng mga video at GIF sa pamamagitan ng Mga Direktang Mensahe.
Ibahagi ang artikulong ito
Did someone say … cookies?
X and its partners use cookies to provide you with a better, safer and
faster service and to support our business. Some cookies are necessary to use
our services, improve our services, and make sure they work properly.
Show more about your choices.