Paano ilagay ang iyong lokasyon sa isang Tweet

Tandaan: Sa pamamagitan ng pag-on sa feature na ito, maipapakita ng Twitter ang lokasyon kung saan ka nagtu-tweet bilang bahagi ng iyong Tweet.

Puwede mong piliing maglagay ng lokasyon sa iyong mga Tweet gamit ang Twitter para sa Android, Twitter para sa iOS, twitter.com, o iba pang mobile application. Halimbawa: Para magbigay ng karagdagang konteksto ng loksyon sa iyong Tweet, puwede kang maglagay ng label ng pangkalahatang lokasyon gaya ng “Makati City, National Capital Region." Sa ilang lokasyon, sa Twitter para sa iOS at Twitter para sa Android, puwede mo ring i-label ang iyong Tweet gamit ang pangalan ng isang partikular na negosyo, landmark, o iba pang point of interest. Ang mga lokasyong ito ay ibinibigay ng Foursquare at Yelp.

Kung gumagamit ka ng Twitter para sa Android o Twitter para sa iOS, puwede ring kasama sa Tweet ang iyong eksaktong lokasyon (hal., ang mga GPS coordinate kung saan ka nag-tweet), na mahahanap sa pamamagitan ng Twitter API, bukod pa sa label ng lokasyong pipiliin mo. Tumingin sa ibaba para sa higit pang impormasyon.

Pag-tweet nang may lokasyon mo
Para maglagay ng lokasyon sa iyong mga Tweet:
Step 1

Kapag na-enable na ang eksaktong lokasyon sa iyong device, sumulat ng Tweet gaya ng dati. Kung hindi ka pa nakapag-attach ng lokasyon sa iyong mga Tweet dati, puwede kang makakita ng prompt na nagtatanong sa iyo kung gusto mong i-enable ang eksaktong lokasyon.

Step 2

I-tap ang icon ng lokasyon  sa kahon ng pagsulat ng Tweet para magbukas ng listahan ng mga lugar na puwede mong pagpilian.

Step 3

Piliin ang lokasyong gusto mong ilagay sa Tweet mo.  

Step 4

Kung mag-a-attach ka ng larawan sa iyong Tweet na kinunan gamit ang in-app na camera at na-tap mo ang icon ng lokasyon, iuugnay ang eksakto mong lokasyon (latitude at longitude) sa Tweet at mahahanap ito gamit ang API. 

Step 5

Para sa mga mas lumang bersyon ng Twitter para sa iOS, palaging maglalaman ang iyong Tweet ng pangalan ng pinili mong lokasyon at ang eksaktong lokasyon ng device mo (na puwedeng mahanap gamit ang API) kapag nag-tweet ka. 

Step 6

Sa susunod na mag-tweet ka gamit ang Twitter app sa parehong device, awtomatikong ilalagay ang pangkalahatan mong lokasyon sa Tweet mo, gamit ang kasalukuyan mong lokasyon. Para sa mga bersyon ng Twitter para sa iOS bago ang 6.26, awtomatikong ia-attach ang eksakto mong lokasyon sa Tweet (at mahahanap ito gamit ang API) kasama ang pangkalahatan mong lokasyon. 

Para itigil ang paglalagay ng iyong lokasyon sa mga Tweet mo:
Step 1

I-tap ang icon sa pagsulat ng Tweet.

Step 2

I-tap ang icon ng lokasyon  para buksan ang dropdown na listahan ng mga lokasyon.

Step 3

Iha-highlight ang kasalukuyan mong lokasyon. I-tap ang X sa kaliwang bahagi sa itaas para alisin ang impormasyon ng lokasyon mo sa Tweet. Hindi lalabas ang iyong impormasyon ng lokasyon sa mga susunod na Tweet hangga't hindi mo pinipiling maglagay ng lokasyon sa isang Tweet. 

Para maglagay ng lokasyon sa iyong mga Tweet:
Step 1

Kapag na-enable na ang eksaktong lokasyon sa iyong device, sumulat ng Tweet gaya ng dati. Kung hindi ka pa nakapag-attach ng lokasyon sa iyong mga Tweet dati, puwede kang makakita ng prompt na nagtatanong sa iyo kung gusto mong i-enable ang eksaktong lokasyon.

Step 2

I-tap ang icon ng lokasyon  sa kahon ng pagsulat ng Tweet para magbukas ng listahan ng mga lugar na puwede mong pagpilian.

Step 3

Piliin ang lokasyong gusto mong ilagay sa Tweet mo.  

Step 4

Kung mag-a-attach ka ng larawan sa iyong Tweet na kinunan gamit ang in-app na camera at na-tap mo ang icon ng lokasyon, iuugnay ang eksakto mong lokasyon (latitude at longitude) sa Tweet at mahahanap ito gamit ang API. 

Step 5

Para sa mga mas lumang bersyon ng Twitter para sa Android, palaging maglalaman ang iyong Tweet ng pangalan ng pinili mong lokasyon at ang eksaktong lokasyon ng device mo (na puwedeng mahanap gamit ang API) kapag nag-tweet ka. 

Step 6

Sa susunod na mag-tweet ka gamit ang Twitter app sa parehong device, awtomatikong ilalagay ang pangkalahatan mong lokasyon sa Tweet mo, gamit ang kasalukuyan mong lokasyon. Para sa mga bersyon ng Twitter para sa Android bago ang 5.55, awtomatikong ia-attach ang eksakto mong lokasyon sa Tweet (at mahahanap ito gamit ang API) kasama ang pangkalahatan mong lokasyon. 

Para itigil ang paglalagay ng iyong lokasyon sa mga Tweet mo:
Step 1

I-tap ang icon sa pagsulat ng Tweet.

Step 2

I-tap ang icon ng lokasyon  para buksan ang dropdown na listahan ng mga lokasyon.

Step 3

Iha-highlight ang kasalukuyan mong lokasyon. I-tap ang "X" sa kaliwang bahagi sa itaas para alisin ang impormasyon ng lokasyon mo sa Tweet. Hindi lalabas ang iyong impormasyon ng lokasyon sa mga susunod na Tweet hangga't hindi mo pinipiling maglagay ng lokasyon sa isang Tweet. 

Para maglagay ng lokasyon sa iyong mga Tweet:
Step 1

Sa nav menu sa kaliwa, piliin ang icon ng higit pa 

Step 2

Pumunta sa Mga setting at privacy, pagkatapos ay Privacy at kaligtasan.

Step 3

Sa ilalim ng Pagbabahagi ng data at aktibidad sa labas ng Twitter, pumunta sa Impormasyon ng lokasyon.

Step 4

Pumunta sa Maglagay ng impormasyon ng lokasyon sa iyong mga Tweet.

Step 5

Kung may check ang kahon, nangangahulugan ito na naka-on ang iyong impormasyon ng lokasyon na naka-attach sa mga Tweet mo. Para i-off ang lokasyon ng Tweet, i-uncheck ang kahon.

Para alisin ang lahat ng impormasyon ng lokasyon na naka-attach sa iyong mga Tweet, mag-click o mag-tap sa pulang text sa ibaba ng kahon at kumpirmahing gusto mong magpatuloy sa pamamagitan ng pagpili sa I-delete.

Tandaan: Mahalagang tandaan na ang pag-delete ng impormasyon ng lokasyon sa Twitter ay hindi garantiya na maaalis na ang impormasyon mula sa lahat ng kopya ng data na nasa mga application ng third-party o nasa mga external na resulta ng paghahanap. Bilang karagdagan, hindi aalisin ng setting na ito ang mga lokasyong naibahagi sa pamamagitan ng Mga Direktang Mensahe.

Sa ilang lugar, may opsyon kang i-label ang iyong Tweet gamit ang isang partikular na negosyo, landmark, o point of interest. Ang mga lugar na ito ay mula sa Foursquare at Yelp. Kung sa tingin mo ay mapang-abuso ang isang partikular na Tweet, pakiulat ito sa Twitter sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin dito.

Ibahagi ang artikulong ito