Tulong para sa nakompromiso kong account

Kung nakompromiso ang iyong account pero nakaka-log in ka pa rin, makakatulong sa iyo ang page na ito na ma-secure ang iyong account at matigil ang mga hindi gustong gawi. Kung hindi ka maka-log in sa iyong account, pakitingnan ang artikulong ito para sa tulong sa potensyal na na-hack na account.

 

Nakompromiso ba ang aking account?


Nangyari ba sa iyo ang mga sumusunod:

  • May napansing mga hindi inaasahang Tweet mula sa account mo
  • Nakakita ng mga hindi sinasadyang Direktang Mensahe mula sa iyong account
  • May mga naobserbahang gawi sa account na hindi mo ginawa o inaprubahan (gaya ng pagsunod, pag-unfollow, o pag-block)
  • Nakatanggap ng abiso mula sa amin na nagsasabing posibleng nakompromiso ang iyong account
  • Nakatanggap ng abiso mula sa amin na nagsasabing napalitan ang impormasyon ng account mo, pero wala ka namang binago
  • Napansing hindi na gumagana ang iyong password at pino-prompt kang i-reset ito

 

Kung oo ang sagot mo sa alinman sa nasa itaas, pakigawa ang mga sumusunod na hakbang:


1. Palitan ang iyong password

Pakipalitan agad ang iyong password mula sa tab na Password sa mga setting. Kung na-log out ka, pumunta sa Login at mag-click sa Nakalimutan ang Password para i-reset ang iyong password. Mangyaring pumili ng malakas na password na hindi mo pa nagagamit dati. Kung hindi ka maka-log in, posibleng na-hack ang account mo.

2. Tiyaking secure ang iyong email address

Tiyaking secure ang email address na naka-attach sa iyong account at ikaw lang ang may access dito. Puwede mong palitan ang iyong email address mula sa iyong Twitter app (iOS o Android) o sa pamamagitan ng pag-log in sa twitter.com at pagbisita sa tab na mga setting ng Account. Bisitahin ang artikulo para sa mga tagubilin sa pag-update sa iyong email address, at tingnan ang artikulong ito para sa karagdagang mga tip sa seguridad ng email account.

3. Bawiin ang mga koneksyon sa mga application ng third-party

Habang naka-log in, bisitahin ang Mga App sa iyong mga setting. Bawiin ang access ng anumang application ng third-party na hindi mo nakikilala.

4. I-update ang iyong password sa mga pinagkakatiwalaan mong application ng third-party

Kung may pinagkakatiwalaang external na application na gumagamit sa password mo sa Twitter, tiyaking i-update ang iyong password sa application na iyon. Kung hindi, baka pansamantala kang ma-lock out sa account mo dahil sa mga pumalyang pagtatangkang mag-log in.

Secure na dapat ang account mo, at hindi ka na dapat makakita ng mga hindi inaasahang gawi sa account sa mga susunod. Kung nakakaranas ka pa rin ng mga isyu, mangyaring maghain ng kahilingan sa suporta para sa tulong.
 

Protektahan ang iyong account sa pamamagitan ng mga simpleng pag-iingat


Kung nakompromiso ang account mo, isagawa ang mga karagdagang pag-iingat na ito:

  • I-delete ang anumang hindi gustong Tweet na na-post habang nakompromiso ang iyong account.
  • I-scan ang iyong mga computer para sa mga virus at malware, lalo na kung patuloy pa ring napo-post ang mga hindi awtorisadong gawi sa account kahit napalitan mo na ang password mo.
  • Mag-install ng mga patch ng seguridad para sa iyong operating system at mga application.
  • Palaging gumamit ng malakas at bagong password na hindi mo ginagamit sa ibang lugar at mahirap hulaan.
  • Ikonsidera ang paggamit ng two-factor authentication. Sa halip na umasa lang sa password, nagbibigay ang beripikasyon sa pag-log in ng pangalawang pagsusuri para makatulong sa pagtiyak na ikaw, at ikaw lang, ang makaka-access sa Twitter account mo.
  • Bisitahin ang aming page ng mga tip sa seguridad ng account para sa higit pang impormasyon kung paano maiiwasan ang mga pag-hack at phishing.
     

Paano nakokompromiso ang mga account? (May nang-hack ba sa akin?)


Puwedeng makompromiso ang mga account kung ibinigay mo ang iyong username at password sa isang mapanirang application o website ng third-party, kung bulnerable ang Twitter account mo dahil sa mahinang password, kung may mga virus o malware sa computer mo na nangongolekta ng mga password, o kung nasa isa kang nakompromisong network.

Ang mga hindi inaasahang update ay hindi palaging nangangahulugan na na-hack na ang account mo. Paminsan-minsan, puwedeng magkaroon ng bug ang application ng third-party na nagdudulot ng hindi inaasahang gawi. Kung makakakita ka ng kakaibang gawi, ang pagpapalit ng iyong password at/o pagbawi sa mga koneksyon ay makakatulong na mapatigil ito, dahil mawawalan na ng access sa iyong account ang application.

Pinakamainam kung kikilos sa lalong madaling panahon kung may mga update na lumalabas sa iyong account na hindi mo na-post o inaprubahan. Makakakita ka ng higit pang impormasyon sa aming page ng mga tip sa seguridad ng account.

Ibahagi ang artikulong ito