Mga FAQ sa lokasyon ng Tweet
Nasa ibaba ang ilang sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa pag-tweet nang may lokasyon mo. Alamin kung paano Mag-tweet nang may lokasyon mo.
Anong impormasyon ng lokasyon ang naka-attach sa aking mga Tweet?
- Sa pamamagitan ng pag-enable sa eksaktong lokasyon, makakapili ka ng impormasyon ng lokasyong mailalagay sa iyong mga Tweet. Naka-off bilang default ang feature na ito at kailangan mong mag-opt in para magamit ito. Nagbibigay-daan ito sa Twitter na kolektahin, i-store, at gamitin ang iyong eksaktong lokasyon, gaya ng impormasyon sa GPS.
- Kapag na-enable mo na ang eksaktong lokasyon, makakapag-attach ka na ng lokasyong gusto mo (gaya ng lungsod o komunidad) sa Tweet mo. I-tap lang ang marker ng lokasyon habang isinusulat ang Tweet mo, at piliin ang lokasyong gusto mong i-tag.
Tandaan: Kapag nag-tweet ka nang may lokasyon, awtomatikong lalagyan ng label ng pangkalahatang lokasyon ang susunod mong Tweet. Matutunan kung paano i-off ang lokasyon anumang oras. - Puwede kang bigyang-daan ng mga application o website ng third-party na makapag-tweet nang may lokasyon, kabilang ang iyong eksaktong lokasyon. Hinihiling namin sa mga developer na ito na ipaliwanag nang malinaw kung ano ang mga impormasyong ibinabahagi kapag ginamit mo ang kanilang mga produkto para mag-tweet nang may lokasyon.
Anong mga kontrol ang mayroon ako kapag nag-attach ako ng impormasyon ng lokasyon sa aking mga Tweet?
Kahit na-enable mo na ang pag-tweet nang may lokasyon mo, may karagdagan kang kontrol sa kung aling mga Tweet (at kung anong uri ng impormasyon ng lokasyon) ang ibabahagi. Kaugnay nito:
- Naka-off bilang default ang lokasyon ng Tweet, at kakailanganin mong mag-opt in sa serbisyo.
- Puwede mong i-on o i-off ang lokasyon ng Tweet anumang oras.
- Puwede mong i-delete ang dati mong data ng lokasyon para hindi na ito lumabas sa mga Tweet mo sa isang lugar (basahin ang artikulong ito para sa sunod-sunod na tagubilin).
- Maging mapagbantay at maingat sa dami ng impormasyong ibinabahagi mo online. May ilang update kung saan gugustuhin mong ibahagi ang iyong lokasyon ("Nagsisimula na ang parada" o "May trak na nagtapon ng masasarap na candy sa kalsada!"), at may ilang update kung saan gugustuhin mong panatilihing pribado ang iyong lokasyon. Gaya lang din ng pag-iingat mo na huwag ma-tweet ang tinitirhan mong address, maging maingat sa pag-tweet mula sa mga lugar na ayaw mong makita ng iba.
- Tandaan na kapag nag-opt in ka sa lokasyon ng Tweet, puwedeng may maialok sa iyo na mga iminumungkahing lokasyon, pero puwede mo pa ring piliing hindi ibahagi ang iyong lokasyon para sa mga indibidwal na Tweet (basahin ang artikulong ito para sa mga tagubilin).
- Mangyaring alamin ang aming mga setting sa pangkalahatang lokasyon at mga setting ng anumang application at device na ginagamit mo sa pag-tweet para palagi mong alam ang impormasyong ibinabahagi mo.
- Tandaan, kapag may na-post ka online, puwede na itong makita ng iba.
Anong impormasyon ng lokasyon ang ipinapakita?
- Ang lahat ng impormasyon ng geolocation ay nagsisimula bilang isang lokasyon (latitude at longitude), na ipinadala mula sa iyong browser o device. Hindi magpapakita ang Twitter ng anumang impormasyon ng lokasyon maliban na lang kung nag-opt in ka sa feature, at pinayagan mo ang iyong device o browser na i-transmit sa amin ang mga coordinate mo.
- Kung nagpasya kang mag-attach ng impormasyon ng lokasyon sa iyong mga Tweet, ipapakita ang napili mong label ng lokasyon sa ilalim ng text ng Tweet.
- Sa twitter.com, puwede kang pumili ng label ng lokasyon gaya ng pangalan ng isang komunidad o lungsod.
- Kapag ginamit mo ang in-app na camera sa Twitter para sa iOS at Android para mag-attach ng larawan o video sa iyong Tweet at na-on mo ang opsyong i-tag ang eksakto mong lokasyon, kasama sa Tweet na iyon ang label ng lokasyong pinili mo at ang eksaktong lokasyon ng iyong device (latitude at longitude), na puwedeng mahanap gamit ang API. Posibleng mas partikular ang eksakto mong lokasyon kaysa sa label ng lokasyong pinili mo. Kapaki-pakinabang ito kapag nagbabahagi ng mga on-the-ground na sandali.
Tandaan: Ang opsyong ibahagi ang iyong eksaktong lokasyon mula sa in-app camera ay kasalukuyang available sa mga mas bagong bersyon ng Twitter para sa iOS (6.26 o mas bago) at sa mga mas bagong bersyon ng Twitter para sa Android (bersyon 5.55 o mas bago). - Kailangang maging malinaw at direkta ang mga developer ng application sa kung ang eksakto mo bang mga coordinate, o ang lugar lang, ang isasama sa iyong Tweet. Kapag nag-tweet ka mula sa isang application ng third-party o mobile device, malinaw dapat kung aling uri ng data ang isasama sa Tweet mo.
Tandaan: Sa ilang lugar, may opsyon kang i-label ang iyong Tweet gamit ang isang partikular na negosyo, landmark, o point of interest. Ang mga lugar na ito ay mula sa Foursquare. Kung may makikita kang isyu sa isang lugar, pakiulat ito sa Help Center ng Foursquare. Kung sa tingin mo ay mapang-abuso ang isang partikular na Tweet, pakiulat ito sa Twitter.