Mag-ulat ng mga paglabag
Nagbibigay ang artikulong ito ng pangkalahatang-ideya sa kung paano mag-ulat ng mga potensyal na paglabag sa Mga Patakaran sa Twitter at Mga Tuntunin ng Serbisyo.
Paano mag-ulat nang direkta mula sa isang Tweet o profile
Maaari kang direktang mag-ulat mula sa isang indibidwal na Tweet o profile para sa ilang partikular na paglabag, kabilang ang: spam, mapang-abuso o nakakapinsalang content, mga hindi naaangkop na ad, pananakit sa sarili, at pagpapanggap. Para sa impormasyon tungkol sa pag-uulat ng iba pang uri ng mga paglabag, basahin ang seksyong Paano mag-ulat ng mga partikular na uri ng mga paglabag sa ibaba.
Paano mag-ulat ng mga indibidwal na Tweet para sa mga paglabag:
Alamin kung paano mag-ulat ng Mga Tweet (o Direktang Mensahe) para sa mga paglabag.
Paano mag-ulat ng media para sa mga paglabag:
Matutunan kung paano mag-ulat ng Mga Tweet para sa media, at basahin ang patakaran sa media ng Twitter.
Paano mag-ulat ng mga profile para sa mga paglabag:
- Buksan ang profile na gusto mong iulat.
- Piliin ang icon ng overflow
- Piliin ang Iulat at pagkatapos ay piliin ang uri ng isyu na gusto mong iulat.
- Kung pipiliin mo ang Mapang-abuso o nakakapinsala ito, hihingan ka namin ng karagdagang impormasyon tungkol sa isyung iniuulat mo. Maaari din naming hilingin sa iyo na pumili ng mga karagdagang Tweet mula sa account na iniuulat mo upang magkaroon kami ng mas malawak na konteksto upang suriin ang iyong ulat.
- Isasama namin ang text ng mga Tweet na iniulat mo sa mga email ng pag-follow up at abiso namin sa iyo. Para mag-opt out na makatanggap ng impormasyong ito, paki-uncheck ang kahon sa tabi ng Maipapakita ng mga update tungkol sa ulat na ito ang mga Tweet na ito.
- Kapag naisumite mo na ang iyong ulat, magbibigay kami ng mga rekomendasyon para sa mga karagdagang pagkilos na maaari mong isagawa upang mas mapaganda ang iyong karanasan sa Twitter.
Paano mag-ulat ng partikular na content sa isang Sandali
Paano mag-ulat ng Tweet sa isang Sandali para sa mga paglabag:
- Mag-navigate papunta sa Tweet na nasa Sandali na gusto mong iulat.
- I-click o i-tap ang na icon .
- I-click o i-tap ang Iulat ang Tweet.
- Piliin ang uri ng isyu na gusto mong iulat sa amin.
- Kapag naisumite mo na ang iyong ulat, magbibigay kami ng mga rekomendasyon para sa mga pagkilos na maaari mong isagawa upang mas mapaganda ang iyong karanasan sa Twitter.
Paano mag-ulat ng maraming bahagi ng isang Sandali para sa mga paglabag:
- Bisitahin ang form sa pag-uulat ng Mga Sandali.
- Ilagay ang URL ng Sandali na gusto mong iulat.
- Piliin ang uri ng isyu na gusto mong iulat sa amin.
- Magbigay sa amin ng hanggang 5 Tweet na nasa Sandali na posibleng nakakalabag.
- Kapag naisumite mo na ang iyong ulat, magbibigay kami ng mga rekomendasyon para sa mga pagkilos na maaari mong isagawa upang mas mapaganda ang iyong karanasan sa Twitter.
Paano mag-ulat ng mga partikular na uri ng mga paglabag
Binabalangkas ng impormasyon sa ibaba ang mga uri ng mga paglabag na maaari mong iulat sa amin sa pamamagitan ng aming Help Center.
- Walang pahintulot na paggamit ng trademark: Matuto pa tungkol sa patakaran sa trademark ng Twitter at maghain ng ulat dito.
- Walang pahintulot na paggamit ng mga may copyright na materyal: Matuto pa tungkol sa patakaran sa copyright ng Twitter at maghain ng ulat dito.
- Pagbebenta o promosyon ng mga pekeng produkto: Matuto pa tungkol sa patakaran sa mga pekeng produkto ng Twitter at maghain ng ulat dito.
- Patakaran sa pagkapribado hinggil sa mga bata: Ang aming Mga Serbisyo ay hindi para sa mga batang wala pang 13 taong gulang. Kung nalaman mong nakapagbigay sa amin ang iyong anak ng personal na impormasyon nang wala ang pahintulot mo, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming form sa pagkapribado. Matuto pa tungkol sa aming patakaran hinggil sa mga bata sa aming Patakaran sa Pagkapribado.
- Pang-aabusong sekswal sa bata: Matuto pa tungkol sa aming patakaran sa pang-aabusong sekswal sa bata at maghain ng ulat dito.
- Pornograpiya: Upang mag-ulat ng mga bastos o pornograpikong larawang ginagamit bilang mga larawan sa profile at/o larawan sa header sa Twitter, sundin ang aming mga tagubilin sa pag-uulat ng sensitibong media.
- Pagpapanggap bilang isang indibidwal o brand: Matuto pa tungkol sa aming patakaran sa pagpapanggap at maghain ng ulat dito.
- Pribadong impormasyong naka-post sa Twitter: Matuto pa tungkol sa aming patakaran sa pribadong impormasyon at maghain ng ulat dito.
- Mapang-abusong gawi at mararahas na banta: Matuto pa tungkol sa aming patakaran sa mapang-abusong gawi at maghain ng ulat dito.
- Spam at pang-aabuso sa system: Kung nakakaranas ka ng isyu tungkol sa spam o malware na nakakaapekto sa paggamit mo ng Twitter, maghain ng ulat dito.
- Patakaran sa paglabag ng Mga Ad sa Twitter: Matutunan kung paano kumilala ng Mga Ad sa Twitter at ang mga hakbang na maaari mong gawin upang lumutas ng mga isyu nang hindi naghahain ng ulat. Mag-ulat ng Ad sa Twitter na maaaring lumalabag sa aming mga patakaran.
Note: Kapag nag-uulat ng mga potensyal na paglabag sa Mga Patakaran sa Twitter at Mga Tuntunin ng Serbisyo sa pamamagitan ng Help Center, maaaring hilingin sa iyo na pahintulutan kaming magbahagi ng ilang parte ng ulat mo sa mga third party, gaya ng apektadong account.
Paano mag-ulat para sa ibang tao
Maaari kang mag-ulat ng mga paglabag para sa ibang tao. Sumangguni sa mga kategorya at tagubiling nakalista sa itaas o makipag-ugnayan sa amin upang isumite ang iyong ulat. Maaari ka ring mag-ulat nang direkta mula sa isang Tweet o profile (tingnan ang seksyong Paano mag-ulat nang direkta mula sa isang Tweet o profile sa itaas).
Paano maghanap ng username sa Periscope
Kapag nag-uulat ng tahasang content sa Periscope, maaaring hilingin sa iyong magbigay ng username sa Periscope.
Sa pamamagitan ng twitter.com:
- Kapag nakahanap ka ng broadcast sa Periscope na ibinahagi sa pamamagitan ng Tweet sa twitter.com, mag-click sa broadcast sa Periscope.
- Kung live ang broadcast sa Periscope, hanapin ang display name ng user ng Periscope (nasa kaliwang sulok sa ibaba). I-click ito upang makapagpakita ng view ng profile. Kopyahin ang username sa Periscope (magsisimula ito sa simbolong @).
- Kung replay ang broadcast sa Periscope, makikita mo ang username sa Periscope sa ibaba mismo ng display name ng user. Kopyahin ito (magsisimula ito sa simbolong @).
Mula sa isang iOS device:
- Mula sa broadcast sa Periscope, mag-swipe pataas o i-tap ang icon na higit pa sa kanang bahagi sa ibaba ng screen upang tingnan ang panel ng impormasyon ng broadcast.
- Makikita sa ilalim ng display name ang username sa Periscope, at magsisimula ito sa simbolong @.
Mula sa isang Android device:
- Mula sa broadcast sa Periscope, i-tap ang icon na higit pa sa kanang bahagi sa ibaba ng screen upang tingnan ang panel ng impormasyon ng broadcast.
- Makikita sa ilalim ng display name ang username sa Periscope, at magsisimula ito sa simbolong @.
Bisitahin ang Help Center ng Periscope para sa higit pang impormasyon, kabilang ang mga paraan kung paano makikipag-ugnayan sa team.