Mga gabay para sa mga tagapagpatupad ng batas

Ano ang Twitter?

Ang Twitter ay isang real-time na pandaigdigang network ng impormasyon na nagbibigay-kakayahan sa mga user upang agad na makagawa at makapagbahagi ng mga ideya at impormasyon. Nagpapadala ang mga tao at organisasyon ng mga mensahe sa pamamagitan ng aming website at mobile site, mga aplikasyon ng client (hal., Twitter para sa Android; Twitter para sa iOS), SMS, o anumang uri ng aplikasyon ng pangatlong partido.

Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang about.twitter.com. Para sa mga pinakabagong feature at functionality ng Twitter, pakibisita ang aming Help Center.

Inihahandog ang Twitter sa mga taong nakatira sa Estados Unidos ng Twitter, Inc., isang kompanyang nakabase sa San Francisco, California. Ibinibigay ang Twitter sa mga taong nakatira sa labas ng Estados Unidos ng Twitter International Company, isang kompanyang nakabase sa Dublin, Ireland.

Anong impormasyon ng account ang hawak ng Twitter?

Pampubliko ang karamihan sa impormasyon ng Twitter account, kaya makikita ito ng kahit na sino. Ang profile ng isang Twitter account ay naglalaman ng litrato sa profile, litrato sa header, larawan sa background, at mga update sa status na tinatawag na mga Tweet. Bilang karagdagan, may opsyon ang may-ari ng account na maglagay ng lokasyon (hal., San Francisco), URL (hal., twitter.com), at maikling seksyon ng "bio" tungkol sa account na ipapakita sa kanyang pampublikong profile. Pakibasa ang aming Patakaran sa Pagkapribado para sa higit pang impormasyon tungkol sa data na kinokolekta namin mula sa at tungkol sa mga user.

May access ba ang Twitter sa mga larawan o video na mula sa user?

Nagho-host ng litrato ang Twitter para sa ilang pag-upload ng larawan (hal., mga larawan sa pic.twitter.com) gayundin para sa mga litrato sa profile sa Twitter account, at mga litrato sa header. Gayunpaman, hindi lang ang Twitter ang nag-iisang pinagmumulan ng mga larawang maaaring lumabas sa platform ng Twitter. Higit pang impormasyon tungkol sa pag-post ng mga larawan sa Twitter.

Nagho-host ng video ang Twitter para sa ilang video na na-upload sa Twitter (hal., mga video sa pic.twitter.com) gayundin ang mga na-post sa Periscope. Pakitandaan, hindi lang ang Twitter ang nag-iisang pinagmumulan ng mga video na maaaring lumabas sa platform ng Twitter.

Ang mga link na nakabahagi sa Twitter, kabilang ang mga link na nakabahagi sa Mga Direktang Mensahe, ay awtomatikong ipoproseso at papaikliin sa http://t.co na link. Kapag nakakita ka ng http://t.co na link, hindi ibig sabihing hino-host na ng Twitter ang video o larawan.

Ano ang Periscope?

Ang Periscope ay isang standalone na serbisyo sa mobile na nagbibigay-daan sa mga user na gumawa at magbahagi ng mga real-time na video broadcast. Pakitingnan ang Pahayag sa Pagkapribado ng Periscope para sa karagdagang impormasyon ukol sa data na kinokolekta namin mula at tungkol sa mga user ng Periscope, at bisitahin ang Help Center ng Periscope para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Periscope. Maaaring mag-sign up ang mga user para sa Periscope account kahit wala silang Twitter account o kahit hindi sila mag-ugnay ng Twitter account.

Ano ang Vine?

Noong Oktubre 2016, inanunsyo namin ang pagsara ng mobile na aplikasyon na Vine. Inilipat namin ang Vine app sa isang na-pare down na Vine Camera. Makakagawa na ngayon ang mga user ng mga looping video na anim na segundo ang haba gamit ang app na ito at mapo-post nila ang mga ito nang direkta sa kanilang Twitter account o mase-save nila ang mga ito sa kani-kanilang telepono. 

Impormasyon sa pagpapanatili ng data

Twitter

Nagpapanatili ang Twitter ng iba't ibang uri ng impormasyon sa loob ng magkakaibang tagal ng panahon, at sa paraang naaayon sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Pagkapribado. Dahil real-time ang Twitter, ang ilang impormasyon (hal., mga IP log) ay maaari lang iimbak sa loob ng napakaikling panahon.

Ang ilang impormasyon na aming naiimbak ay awtomatikong kinolekta, habang ang ibang impormasyon ay ibinigay batay sa pagpapasya ng user. Bagama't iniimbak namin ang impormasyong ito, hindi namin mabibigyan ng garantiya ang katumpakan nito. Halimbawa, maaaring nakagawa ng peke o di-kilalang profile ang user. Sa Twitter, hindi naman kinakailangang gumamit ng tunay na pangalan, magberipika ng email, o magpatunay ng pagkakakilanlan. Matatagpuan sa aming Patakaran sa Pagkapribado ang higit pang impormasyon tungkol sa mga patakaran ng Twitter sa pagpapanatili ng data.

TANDAAN: Kapag na-deactivate ang isang account, magkakaroon ng napakaikling panahon kung kailan maaari naming ma-access ang impormasyon ng account, kabilang ang mga Tweet. Available dito ang higit pang impormasyon tungkol sa mga na-deactivate na account. Karaniwang hindi na available ang nilalamang inalis ng mga may-ari ng account (hal., Mga Tweet).

Periscope

Nagpapanatili ang Periscope ng iba't ibang uri ng impormasyon sa loob ng magkakaibang tagal ng panahon. Ang Mga Broadcast at impormasyon tungkol sa broadcast ay maaari lang iimbak sa loob ng maikling panahon. Makikita sa Help Center ng Periscope ang impormasyon tungkol sa pagiging available ng mga broadcast. Matatagpuan sa Patakaran sa Pagkapribado ng Periscope ang higit pang impormasyon tungkol sa aming mga patakaran sa pagpapanatili.

Paano maghanap ng Twitter UID, username sa Periscope, o broadcast sa Periscope

Paghahanap sa Twitter UID

Paghahanap ng username o broadcast sa Periscope

Basahin ang aming mga tagubilin tungkol sa kung paano maghanap ng username sa Periscope.

Mga kahilingan sa pagpapanatili

Tumatanggap kami ng mga kahilingan mula sa mga tagapagpatupad ng batas upang magpanatili ng mga record na maaaring maging mahalagang ebidensya sa mga legal na paglilitis. Pananatilihin namin, ngunit hindi isisiwalat, ang pansamantalang snapshot ng mga nauugnay na record ng account sa loob ng 90 araw bago ang paghahatid ng wasto at legal na proseso.

Alinsunod sa naaangkop na batas, ang mga kahilingan sa pagpapanatili ay dapat na:

  • may lagda ng humihiling na opisyal;
  • may wastong opisyal na email address para sa pagtugon; at dapat ipadala nang may letterhead ng tagapagpatupad ng batas;
  • naglalaman ng @username at URL ng pinag-uusapang Twitter profile (hal., https://twitter.com/twittersafety (@twittersafety), at/o natatanging pampublikong user identification number o UID ng Twitter account o isang username at URL sa Periscope (hal., @twittersafety at https://periscope.tv/twittersafety). Upang maghanap ng Twitter UID, tumingin dito o kaya ay upang maghanap ng username sa Periscope, tumingin dito.

Maaari naming tanggapin ang mga kahilingan para sa mga pagpapahaba ng pagpapanatili, ngunit hinihimok namin ang mga ahensyang tagapagpatupad ng batas na humingi ng mga record nang maaga sa pamamagitan ng mga naaangkop na channel, dahil hindi kami makakapagbigay ng garantiyang magiging available ang hiniling na impormasyon.

Ang mga kahilingan ng mga tagapagpatupad ng batas at gobyerno para sa pagpapanatili ng impormasyon ng user ay maaaring isumite sa pamamagitan ng aming site na Legal Request Submissions (t.co/lr or http://legalrequests.twitter.com). Makakahanap ka ng mga karagdagang tagubilin sa ibaba.

Mga kahilingan para sa impormasyon ng Twitter account

Ang mga kahilingan para sa impormasyon ng user account mula sa mga tagapagpatupad ng batas ay dapat idirekta sa Twitter, Inc. sa San Francisco, California o sa Twitter International Company sa Dublin, Ireland. Tumutugon ang Twitter sa wastong legal na prosesong inihain alinsunod sa naaangkop na batas.

Nangangailangan ng subpena o kautusan ng hukuman ang pribadong impormasyon

Hindi ibibigay sa mga tagapagpatupad ng batas ang hindi pampublikong impormasyong tungkol sa mga user ng Twitter maliban na lang kung ito ay pagtugon sa naaangkop na legal na proseso tulad ng subpena, kautusan ng hukuman, o iba pang wastong legal na proseso – o bilang tugon sa isang wastong kahilingan dahil sa emerhensya, tulad ng inilalarawan sa ibaba.

Nangangailangan ng kautusan na maghanap ang mga nilalaman ng mga komunikasyon

Ang mga kahilingan para sa mga nilalaman ng mga komunikasyon (hal., Mga Tweet, Direktang Mensahe, litrato) ay nangangailangan ng wastong kautusan na maghanap o katumbas nito mula sa isang ahensyang may wastong hurisdiksyon sa Twitter.

Aabisuhan ba ng Twitter ang mga user tungkol sa mga kahilingan para sa impormasyon ng account?

Oo. Patakaran ng Twitter na abisuhan ang mga user tungkol sa mga kahilingan para sa impormasyon ng kanilang Twitter o Periscope account, na kinabibilangan ng pagbibigay ng kopya ng kahilingan, sa pinakamaagang panahong makakaya namin (hal., bago o pagkatapos isiwalat ang impormasyon ng account), maliban na lang kung ipinagbabawal sa aming gawin iyon (hal., isang utos sa ilalim ng 18 U.S.C. § 2705(b)). Hinihiling namin na ang anumang probisyon para sa hindi pagsisiwalat ay maglalaman ng isang takdang tagal ng panahon (hal., 90 araw) kung saan pagbabawalan ang Twitter na abisuhan ang user. Maaaring kabilang sa mga eksepsyon sa paunawa sa user ang matitindi o counterproductive na sitwasyon, tulad ng mga emerhensyang may kinalaman sa nakaambang banta sa buhay, pang-aabusong sekswal sa bata, o terorismo.

Anu-anong detalye ang dapat kasama sa mga kahilingan para sa impormasyon ng account?

Alinsunod sa naaangkop na batas, ang mga kahilingan para sa impormasyon ng account ng user ay kinakailangang may mga sumusunod na impormasyon:

  • Isama ang @username at URL sa Twitter ng pinag-uusapang Twitter account (hal., https://twitter.com/twittersafety (@twittersafety)) o natatanging pampublikong user identification number o UID ng account. Para sa mga tagubilin kung paano maghanap ng Twitter UID, tumingin dito;
  • At/o isama ang wastong username at URL sa Periscope (hal., @twittersafety at https://periscope.tv/twittersafety). Tingnan ang mga tagubilin sa paghahanap ng username sa Periscope dito;
  • Magbigay ng mga detalye tungkol sa partikular na impormasyong hinihiling (hal., pangunahing impormasyon ng subscriber) at ang kaugnayan nito sa iyong imbestigasyon;
    • TANDAAN: Pakitiyak na ang hinahanap mong impormasyon ay hindi available sa publiko (hal., mga hindi protektadong Tweet). Hindi namin magagawang iproseso ang masyadong malalawak o malalabong kahilingan.
  • Magsama ng isang wastong opisyal na email address (hal., name@agency.gov) upang mabalikan ka namin kapag natanggap na namin ang iyong legal na proseso;
  • Maihain gamit ang letterhead ng tagapagpatupad ng batas.

Ang mga kahilingan ng mga tagapagpatupad ng batas at gobyerno para sa pagpapanatili ng impormasyon ng user ay maaaring isumite sa pamamagitan ng aming site na Legal Request Submissions (t.co/lr o http://legalrequests.twitter.com). Makakahanap ka ng mga karagdagang tagubilin sa ibaba.

Pagpapakita ng mga record

Maliban kung iba ang napagkasunduan, kasalukuyan kaming nagbibigay ng mga record ng pagtugon sa electronic na format (ibig sabihin, mga text file na nabubuksan gamit ang anumang word processing software tulad ng Word o TextEdit).

Pagpapatunay sa mga record

Hindi na kailangang patunayan ang mga record na mula sa amin. Bukod pa rito, ang mga record ay nilagdaan sa electronic na paraan upang matiyak ang integridad ng mga ito sa panahon ng paggawa. Kung kailangan mo ng deklarasyon, pakisaad ito sa iyong pagsusumite.

Reimbursement ng Gastusin

Maaaring humingi ang Twitter ng reimbursement para sa mga gastusing kaugnay ng naibigay na impormasyon alinsunod sa mga legal na proseso at ayon sa pagpapahintulot ng batas (hal., sa ilalim ng 18 U.S.C. §2706).

Mga kahilingan sa pagsisiwalat dahil sa emerhensya

Kaugnay ng aming Patakaran sa Pagkapribado, maaari naming isiwalat ang impormasyon ng account sa mga tagapagpatupad ng batas bilang tugon sa isang wastong kahilingan sa pagsisiwalat dahil sa emerhensya.

Sinusuri ng Twitter ang mga kahilingan sa pagsisiwalat dahil sa emerhensya batay sa indibidwal na kaso, bilang pagsunod sa may kaugnayang batas (hal., 18 U.S.C. § 2702(b)(8) at Section 8 Irish Data Protection 1988 at 2003). Kung makatanggap kami ng impormasyong nagbibigay sa amin ng tamang dahilan upang maniwala na may emerhensyang maaaring makapagdulot ng kamatayan o malubhang pisikal na pinsala sa isang tao na dapat aksyunan agad, maaari kaming magbigay ng impormasyong kinakailangan upang mapigilan ang pinsalang iyon, kung mayroon kami nito.

Paano gumawa ng kahilingan sa pagsisiwalat dahil sa emerhensya

Kung may emerhensyang maaaring makapagdulot ng kamatayan o malubhang pisikal na pinsala sa isang tao na dapat aksyunan agad at nasa Twitter ang kinakailangang impormasyon upang mapigilan ito, ang mga opisyal na tagapagpatupad ng batas ay maaaring magsumite ng kahilingan sa pagsisiwalat dahil sa emerhensya sa pamamagitan ng aming site na Legal Request Submissions (ang pinakamabilis at pinakaepektibong paraan).

TANDAAN: Maaaring maantala ang tugon sa mga na-fax (415-222-9958) na kahilingan. Pakilagay ang lahat ng sumusunod na impormasyon:

  • Pagsasaad sa iyong cover sheet, na dapat nakasulat sa letterhead ng tagapagpatupad ng batas, na ikaw ay nagsusumite ng isang Kahilingan sa Pagsisiwalat Dahil sa Emerhensya;
  • Pagkakakilanlan ng taong nasa bingit ng kamatayan o malubhang pisikal na pinsala;
  • Ang uri ng emerhensya (hal., ulat ng pagpapakamatay, bomb threat);
  • @username at URL sa Twitter (hal., https://twitter.com/TwitterSafety (@twittersafety) ng (mga) pinag-uusapang account kung nasaan ang impormasyong kinakailangan upang mapigilan ang emerhensya;
  • Anumang ispisipikong Tweet na gusto mong ipasuri sa amin;
  • Ang ispisipikong impormasyong hiniling at kung bakit kinakailangan ang impormasyong iyon upang maiwasan ang emerhensya;
  • Ang lagda ng magsusumiteng opisyal na tagapagpatupad ng batas; at
  • Lahat ng iba pang available na detalye o konteksto tungkol sa partikular na mga sitwasyon.

Mga kasunduan sa pagdadamayan sa legal na tulong

Patakaran ng Twitter ang agad na tumugon sa mga kahilingan na maayos na naihain sa pamamagitan ng kasunduan sa pagdadamayan sa legal na tulong (mutual legal assistance treaty o “MLAT”) o mga rogatoryong liham, pagkatapos ng tamang paghahain ng proseso. Kapag nagsusumite ng mga kahilingan sa pamamagitan ng isang MLAT na pamamaraan, pakilinaw na ang kahilingan ay darating sa pamamagitan ng MLAT at isama ang pangalan ng pagmumulang bansa.

Mga kahilingan sa pagtatanggal ng nilalaman

Paano humiling ng pagsusuri ng mga tuntunin ng serbisyo

Kung isa kang ahenteng tagapagpatupad ng batas o opisyal ng gobyerno at gusto mong matanggal mula sa Twitter ang isang nilalamang maaaring ilegal dahil sa paglabag sa (mga) lokal na batas, pakisuri muna ang Mga Patakaran sa Twitter at kung naaangkop, magsumite ng kahilingan upang suriin ang nilalaman para sa mga posibleng paglabag sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo. Available dito ang isang pangkalahatang-ideya tungkol sa kung paano mag-ulat ng mga potensyal na paglabag sa Mga Patakaran sa Twitter at Mga Tuntunin ng Serbisyo. Sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga posibleng paglabag sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo, matitiyak mong maipapadala ang iyong kahilingan sa naaangkop na team at maipoproseso ito nang mabilis.

Paano magsumite ng legal na kahilingan upang huwag ipakita ang nilalaman

Kung nakapagsumite ka na ng kahilingang masuri ang nilalaman para sa mga posibleng paglabag sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo, at nakatanggap ka ng tugon mula sa Twitter na nagsasaad na ang iniulat na nilalaman ay hindi lumalabag sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo sa kasalukuyan, maaari kang magsumite ng isang wasto at may tamang saklaw na legal na kahilingan upang huwag ipakita ang nilalaman sa pamamagitan ng aming site na Legal Request Submissions. Ito ang pinakamabilis at pinakaepektibong paraan sa pagsusumite ng kahilingang huwag ipakita ang nilalaman batay sa (mga) lokal na batas.

Bukod sa pagtukoy sa (mga) partikular na Tweet o account na pinag-uusapan, pakitukoy ang (mga) lokal na batas na itinuturing na nilabag ng iniulat na nilalaman. Kung mayroon kang kautusan ng hukuman o iba pang nauugnay na legal na dokumentasyon, mangyaring mag-attach ng kopya kapag isinusumite ang iyong kahilingan (tingnan ang seksyong “Mga attachment na file”). Mangyaring magbigay rin ng anumang iba pang konteksto na posibleng kapaki-pakinabang, na makakatulong sa pagpapabilis sa pagsusuri ng iyong kahilingan. Kailangan din namin ng isang opisyal na email address mula sa pamahalaan o tagapagpatupad ng batas (hal., name@agency.gov) upang mabalikan ka ng naaangkop na team kung kailangan. Ipoproseso namin ang iyong kahilingan sa lalong madaling panahon.

Agad na aabisuhan ng Twitter ang mga apektadong user tungkol sa mga legal na kahilingang huwag ipakita ang nilalaman, na kinabibilangan ng pagbibigay ng kopya ng orihinal na kahilingan, maliban na lang kung pinagbabawalan kaming gawin ito. Kung sa tingin mo ay bawal abisuhan ng Twitter ang user, pakisaad ang iyong dahilan sa kahilingan, kabilang ang pagsipi sa nauugnay na batas (kung naaangkop), at/o mag-upload ng anumang dokumentong sumusuporta sa pagbabawal na ito sa seksyong "Mga attachment na file," kung available. Maaari kang magbigay ng redacted na kopya ng iyong kahilingan kung saan inalis ang personal na impormasyon para sa mga layunin ng pag-aabiso.

Maaari ding hilingin ng mga nag-uulat na gobyerno o tagapagpatupad ng batas ang hindi pagpapakita ng nilalaman na natukoy na ilegal sa kanilang hurisdiksyon sa pamamagitan ng pag-fax sa iyong kahilingan o pagpapadala sa mail ng hard copy ng iyong kahilingan sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa ibaba. Kung nasa labas ka ng Estados Unidos, pakipadala sa mail ang iyong kahilingan sa Twitter International Company sa Ireland (tingnan ang seksyong “Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan” sa ibaba).

Tumingin ng higit pang impormasyon tungkol sa aming patakaran sa Nilalaman na Hindi Ipinapakita sa Bansa rito.

Pagtulong sa isang Twitter user

Ang mga nakarehistrong user ng Twitter ay maaaring mag-download ng Mga Tweet na naka-post sa kanyang Twitter account. Available sa aming Help Center ang mga hakbang kung paano mahihiling ng user ang ganoong impormasyon.

Maaari ding kunin ng mga user ang mga IP log at iba pang data nang direkta sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, gaya ng ipinaliwanag sa aming Help Center. Kung nangangailangan ang Twitter user ng karagdagang hindi pampublikong impormasyon tungkol sa kanyang Twitter account, pakisabi sa user na magpadala ng kahilingan sa Twitter sa pamamagitan ng aming form sa pagkapribado. Tutugon kami nang may karagdagang mga tagubilin.

Iba pang isyu

Ang karamihan sa mga isyu ay maaaring malutas sa pamamagitan ng direktang pagsusumite ng mga may-ari ng Twitter account ng mga katanungan sa pamamagitan ng aming Help Center. Available dito ang higit pang impormasyon tungkol sa kung paano mag-ulat ng mga paglabag.

Mga pangkalahatang tanong

Ang iba pang pangkalahatang tanong mula sa mga tagapagpatupad ng batas o opisyal ng gobyerno ay maaaring isumite sa pamamagitan ng aming web form.

Saan magsusumite ng mga kahilingan

Ang lahat ng legal na kahilingan, kabilang ang mga pagpapanatili, mga kahilingan para sa impormasyon ng account (karaniwan at pang-emerhensya), at mga kahilingan sa pagtatanggal ng nilalaman ay maaaring isumite sa pamamagitan ng site na Legal Request Submissions ng Twitter na available sa: t.co/lr o legalrequests.twitter.com.

Kung mayroon kang isyu sa aming site na Legal Request Submissions, maaari kang humingi ng tulong sa pamamagitan ng aming web form.

Ang pagtanggap ng kasagutan sa pamamagitan ng pamamaraang ito ay para sa kaginhawaan lamang, at hindi nito tinatalikdan ang anumang pagtutol, kabilang ang kakulangan ng hurisdiksyon o tamang serbisyo.

Ang mga kahilingang walang kinalaman sa pagpapatupad ng batas ay dapat isumite sa pamamagitan ng aming Help Center.

Impormasyon sa pakikipag-ugnayan

Ang mga detalye ng aming address at fax ay:

Twitter, Inc.
c/o Trust & Safety - Legal Policy
1355 Market Street, Suite 900
San Francisco, CA 94103
Fax: 1-415-222-9958 (attn: Trust & Safety - Legal Policy)

Twitter International Company
c/o Trust & Safety - Legal Policy
One Cumberland Place
Fenian Street
Dublin 2
D02 AX07
Ireland

Fax: 1-415-222-9958 (attn: Trust & Safety - Legal Policy)

Ang pagtanggap ng kasagutan sa pamamagitan ng alinman sa mga pamamaraang ito ay para sa kaginhawaan lamang, at hindi nito tinatalikdan ang anumang pagtutol, kabilang ang kakulangan ng hurisdiksyon o tamang serbisyo.

Bookmark or share this article