Pang-aabuso at pangha-harass
Pangkalahatang-ideya
Marso 2023
Hindi ka puwedeng magbahagi ng mapang-abusong content, mang-harass ng isang tao, o maghikayat ng iba na gawin iyon.
Sa Twitter, dapat mong maramdamang malaya at ligtas kang makakapagpahayag ng natatangi mong pananaw. Naniniwala kami sa malayang pagpapahayag at bukas na talakayan, at upang pangasiwaan ang masiglang talakayan sa platform, at bigyan ng kakayahan ang mga indibidwal na magpahayag ng magkakaibang opinyon at paniniwala, ipinagbabawal namin ang gawi at content na nangha-harass o nananakot, o isinagawa para magpahiya o magpababa ng tingin sa ibang tao. Dagdag pa sa mga dulot nitong panganib sa kaligtasan ng mga tao, puwedeng humantong sa pisikal at emosyonal na paghihirap ng mga apektadong tao ang mapang-abusong gawi.
Ano ang labag sa patakarang ito?
Naka-target na pangha-harass
Itinuturing namin na mapaminsala, hindi nasasagot, at inilaang magpahiya o magpababa ng tingin sa (mga) indibidwal. Ipinagbabawal namin ang mga sumusunod na gawi sa platform:
- Pagpo-post ng maraming Tweet, sa loob ng maikling panahon, o tuloy-tuloy na pag-post ng mga sagot na may mapaminsalang content, para i-target ang isang indibidwal. Kasama rito ang mga account na inilaan para mang-harass ng isang indibidwal o ng maraming indibidwal.
- Pagbanggit o pag-tag ng mga user sa mapaminsalang content.
Paghikayat o paghiling sa iba na mang-harass ng isang indibidwal o grupo ng mga tao
Ipinagbabawal namin ang gawi na humihikayat sa iba na mang-harass o mag-target ng mga partikular na indibidwal o grupo ng tao sa pang-aabuso. Kabilang dito ang, pero hindi limitado sa: paghiling na i-target ang mga tao gamit ang pang-aabuso o pangha-harass online at gawi na humihikayat sa offline na aksyon gaya ng pisikal na pangha-harass.
Hindi katanggap-tanggap na Sekswal na Content at Graphic Objectification
Bagama't pinapayagan ang ilang may pahintulot na paghuhubad at pang-adult na content sa Twitter, ipinagbabawal namin ang mga hindi katanggap-tanggap na sekswal na content at graphic objectification na sekswal na ino-objectify ang isang indibidwal nang wala nilang pahintulot. Kabilang dito ang, ngunit hindi limitado sa:
- pagpapadala ng hindi hinihingi at/o hindi katanggap-tanggap na pang-adult na media, kabilang ang mga larawan, video, at GIF;
- hindi katanggap-tanggap na sekswal na pagtalakay tungkol sa katawan ng isang tao;
- paghiling ng mga sekswal na gawain; at
- anupamang content na nagse-sexualize sa isang indibidwal nang wala ang kanyang pahintulot.
Mga Pang-iinsulto
Tinututulan namin ang paggamit ng mga insulto o kabastusan para mag-target ng iba. Sa ilang sitwasyon, gaya ng (pero hindi limitado sa) malubha at paulit-ulit na paggamit ng mga insulto o kabastusan na may konteksto na mang-harass o manakot ng ibang tao, posibleng naming ipaalis ang Tweet. Sa ibang sitwasyon, gaya ng (pero hindi limitado sa) katamtaman at natatanging paggamit ng mga insulto at kabastusan na may konteksto na mang-harass o manakot ng ibang tao, posible naming limitahan ang makakakita sa Tweet gaya ng ipinapaliwanag sa ibaba. Pakitandaan na bagama't puwedeng tingnan ng ilang indibidwal ang ilang partikular na salita bilang nakakasakit, hindi kami gagawa ng aksyon laban sa bawat pagkakataon na ginamit ang mga nakakainsultong salita.
Pagtatatuwa ng Marahas na Event
Ipinagbabawal namin ang content na nagtatatuwa na may nangyaring mass murder o iba pang mass casualty event (mga pangyayari kung saan maraming nasaktan), na puwede naming i-verify na nangyari ang nasabing event, at kung kailan naibahagi ang content na may mapang-abusong konteksto. Posibleng kasama rito ang mga pangbanggit sa nasabing event bilang isang "hoax" (panloloko) o nagsasabing peke o "mga actor" lang ang mga biktima o survivor. Kasama rito ang, pero hindi limitado sa, mga event gaya ng Holocaust, pamamaril sa paaralan, pag-atake ng mga terorista, at natural na sakuna.
Kailangan bang ako ang target ng content na ito para masuri ito para sa paglabag sa Mga Patakaran sa Twitter?
Para tulungan ang aming mga team na maunawaan ang konteksto, kailangan namin paminsan-minsan na makuha ang opinyon ng taong tina-target para masigurado Posibleng magmukhang mapang-abuso ang ilang Tweet kapag titingnan nang mag-isa, pero posibleng hindi kung titingnan sa konteksto ng mas malawak na usapan. Kapag sinusuri namin ang mga kaso, posibleng hindi malinaw kung ang konteksto nito ay para mang-abuso ng isang indibidwal, o kung bahagi ito ng isang may pahintulot na usapan.
Ano ang mangyayari kapag nilabag mo ang patakarang ito?
Kapag pinagpapasyahan ang parusa para sa paglabag sa patakarang ito, isinasaalang-alang namin ang maraming salik na kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, kalubhaan ng paglabag at mga dating record ng indibidwal kaugnay ng mga paglabag sa patakaran. Ang sumusunod ay isang listahan ng mga potensyal na opsyon sa pagpapatupad para sa content na lumalabag sa patakarang ito:
- Pag-downrank sa mga Tweet sa mga sagot, maliban na lang kung sinusundan ng user ang may-akda ng Tweet.
- Pag-aalis sa pagiging kwalipikado ng mga Tweet para sa amplification sa Mga nangungunang resulta ng paghahanap at/o sa mga timeline para sa mga user na hindi sumusunod sa may-akda ng Tweet.
- Hindi pagsasama sa mga Tweet at/o account sa mga rekomendasyon sa email o in-product na rekomendasyon.
- Pag-aatas na alisin ang Tweet.
- Halimbawa, maaari naming hilingin sa isang tao na alisin ang lumalabag na content at na gumamit lang ng Twitter nang nasa read-only mode bago siya makapag-Tweet ulit.
- Pagsususpinde ng mga account na ang tanging layunin ay lumabag sa aming patakaran sa Hindi Katanggap-tanggap na Sekswal na Content at Graphic Objectification, o mga account na inilaan para mang-harass ng mga indibidwal.
Matuto pa tungkol sa aming range ng mga opsyon sa pagpapatupad.
Kung pinaniniwalaan ng isang taong nagkamali kami sa pagsuspinde ng kanyang account, puwede siyang magsumite ng apela.